Nagpaliwanag ang AFP o Armed Forces of the Philippines hinggil sa posibleng paglusot ng Abu Sayyaf pa-Visayas.
Sinabi sa DWIZ ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana na talagang kung saan-saan mapapadpad ang mga bandido dahil sa mahigpit na pagtugis nila sa mga ito matapos ang inlunsad nilang operational plan noong Pebrero.
“They are really on the run, they are now outside their comfort zone, and they do not enjoy community support anymore so they are a little confused, hindi nila malaman kung saan sila magtatago sa probinsya kaya isa sa mga assessment namin ay lalabas sila sa probinsya ng Sulu to find a safer place but it appears na wala nang safe place for them sa ating bansa.” Pahayag ni Sobejana
Ayon pa kay Sobejana, hindi rin makakaligtas ang mga bandido kahit pa dumaan sila sa katubigan dahil sa naka-puwesto nang mga tauhan ng Philippine Navy.
“We are doing our best effort meron tayong naval task force na nasa gitnang karagatan upang mabantayan ang water surrounding Sulu province kaya lang napakalawak talaga ng karagatan natin at hindi mo mabantayan ang all parts ng seawater ng Sulu.” Dagdag ni Sobejana
Pinoy hostage beheaded
Samantala, naging malubha na ang kalusugan ng kapitan ng barko na nagpapahirap umano sa operasyon ng Abu Sayyaf Group kayat pinugutan na ito.
Ayon ito kay Brigadier General Cirilito Sobejana, Commander ng AFP Joint Task Force Sulu ay bagamat una na umanong humihingi ng tatlong (3) milyong pisong ransom ang mga bandido sa pamilya ni Noel Besconde.
Sinabi sa DWIZ ni Sobejana na hindi nila batid kung ano ang nasabing sakit ni Besconde na isa sa mga tripulante ng fishing boat Ramona na dinukot noong isang taon ay pinugutan noong April 13, Huwebes Santo, alas-2:30 ng hapon.
“Because of his sickness ay naantala at nade-delay ang kanilang pag-withdraw sa iba’t ibang sulok dito sa probinsya ng Sulu at humantong sa pag-execute sa kanya ng grupo, yun nga may nabalitaan din kami na nagkaroon daw ng demand for ransom, yun ang hindi pa natin makumpirma, but based on our assessments gusto lang nilang pagkaperahan yung taong maysakit na at alam naman namin na hindi rin magtatagal siya’y mamamatay din.” Ani Sobejana
By Judith Larino | Ratsada Balita (Interview)
AFP sa Abu Sayyaf: Wala nang ligtas na lugar para sa kanila was last modified: April 17th, 2017 by DWIZ 882