Kaduda-duda para sa Armed Forces of the Philippines o AFP ang alegasyon ng grupong Gabriela hinggil sa umano’y pagbabanta ng mga sundalo na gagahasain ang mga kababaihan sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, sa halip na idulog o ireklamo sa AFP ang naturang balita ay inuna pa aniya itong iahayag sa isang press conference.
Dahil dito, naniniwala si Padilla na isa lamang itong uri ng paninira.
Sinasamantala aniya ng naturang grupo ang sitwasyon para gawing masama ang imahe ng AFP.
By Ralph Obina
AFP sa akusasyon ng Gabriela: Kaduda-duda was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882