Huwag magpadala sa emosyon sa pakikilahok sa traslacion o prusisyon ng poong Itim na Nazareno sa darating na Sabado.
Ito ang panawagan ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa mga deboto upang maiwasan ang balyahan at sakitan sa kasagsagan ng traslacion na posibleng maging mitsa pa ng peligro.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, kadalasan kasing pinagmumulan ng mga aksidente ang masidhing pagnanais na makalapit sa andas ng poon para hawakan o mapunasan man lang ito.
Sa panig ng Sandatahang Lakas, sinabi ni Padilla na kanilang tututukan ang crowd control sa araw ng traslacion lalo’t wala naman silang namomonitor na posibleng banta sa seguridad sa nasabing okasyon.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal