Itinalaga bilang acting Commander ng Presidential Security Group at Senior Military Assistant ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Col. Ramon Zagala.
Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Jorry Baclor, ilalabas pa ang opisyal na kautusan ng pagtatalaga ngunit inaasahang gagampanan ni Zagala ang kanyang bagong tungkulin ngayong Huwebes matapos manumpa PBBM bilang ika-17 pangulo ng bansa.
Nabatid na si Zagala, ay Public Affairs Chief at tagapagsalita ng Philippine Army bago naging AFP Spokesman simula Agosto noong nakaraang taon.