Bawat Pilipino ay maaaring maging bayani sa kani-kanilang larangan at kahit maliit na pamamaraaan.
Iyan ang mensahe ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt/Gen. Jose Faustino ngayong National Heroe’s Day.
Ayon kay Faustino, dapat ipagpatuloy ang pagpaparangal sa mga bayani ng bayan na naghandog ng kanilang sarili, makamit lamang ang kalayaan at demokrasyang ating tinatamasa.
Kinilala at pinarangalan din ng AFP Chief ang lahat ng mga makabagong bayani na sumasagip ng buhay sa mga ospital, lumilikha ng pagkain at iba pang pangunahing mga pangangailangan.
Gayundin sa mga nagpapanatilig ligtas sa lahat ng pamayanan ngayong humaharap ang bansa sa matinding krisis pangkalusugan. —sa panulat ni jaymark Dagala (Patrol 9)