Susunod na tututukan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang New People’s Army o NPA ngayong patapos na ang giyera sa Marawi City.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, target ng gobyerno na pulbusin ang mga miyembro ng rebeldeng grupo sa pagtatapos ng 2018.
Aniya, higit 8,000 mga bagong recruit na sundalo na magtatapos sa training ngayong Nobyembre ang itatalaga sa Eastern Mindanao na sinasabing NPA-infested.
May karagdagang 5,000 sundalo pa ang kukunin sa Enero sa susunod na taon para lalo pang palakasin ang puwersa ng AFP para ubusin ang komunistang grupo.
Sinabi pa ni Año, lilinisin ang Mindanao at iba pang lugar sa bansa mula sa NPA upang hindi ito maging hadlang sa ilalargang malalaking infrastructure sa buong bansa.
—-