Tatalima ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naging deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na unilateral ceasefire sa mga miyembro ng New People’s Army o NPA.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, sa kabila nito ay mananatili pa ring nakaalerto at bigilante ang mga militar sakaling atakihin ng naturang rebeldeng grupo.
Binigyang diin ni Padilla na sinsero ang AFP sa ceasefire at sana ay ganito rin ang maging pananaw ng kabilang grupo.
Handa aniya ang buong Sandatahang Lakas na ibigay ang suporta ang naging matapang na hakbang ng Pangulong Digong upang makamit na nang tuluyan ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
By Rianne Briones