Tikom ang bibig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa banta ng Abu Sayyaf na pupugutan nila ang bihag nilang 3 dayuhan at 1 Pilipina kung hindi mababayaran ang hinihingi nilang P4 na bilyong pisong ransom money.
Gayunman, tiniyak ni Col. Restituto Padilla, Spokesman ng AFP na tuloy tuloy ang ginagawa nilang pagkilos upang mailigtas ang mga biktima.
Sa ngayon, sinabi ni Padilla na ang tanging masasabi nila ay hindi pa sigurado kung anong grupo ang dumukot sa 2 Canadian, isang Norwegian at isang Pilipina sa Samal Island noong Setyembre.
Patuloy rin aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa mga opisyal ng bansang kinabibilangan ng mga biktima.
By Len Aguirre | Ratsada Balita