Palalakasin pa ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang kanilang defense posture laban sa planong pag-atake ng NPA o New People’s Army .
Tiniyak ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na hindi nila hahayaan na makapaglunsad ng karahasan ang mga rebelde lalo na sa mga komunidad kung saan direktang maapektuhan ang mga sibilyan.
Aniya pinatutunayan lang ng komunistang grupo sa kanilang mga pahayag na hindi nila hangad na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan.
Sa ngayon tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang operasyon ng militar laban sa NPA.
By Arianne Palma
AFP tiniyak na di hahayaan ang mga pag-atake ang NPA was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882