Nilinaw ng AFP na hindi gagamiting pang-atake sa NPA ang labing siyam na helicopters na bibilhin ng Pilipinas sa Canada.
Kasunod ito nang kautusan ng Canadian government na repasuhin ang kontratang nagkakahalaga ng 233 million dollars para sa mga naturang helicopters sa pangambang gamitin ito sa mga miyembro ng NPA.
Sinabi ni AFP Deputy Chief of Staff for Plans Major General Restituto Padilla na hindi attack kundi utility helicopters ang bibilhin ng Pilipinas sa Canada na inaasahang darating sa bansa sa susunod na taon.
Gagamitin lamang aniya ang mga ito sa search and rescue operations at maging sa paghahatid ng mga sundalong sugatan at nasawi sa mga bakbakan.
Defense Department, hahanap na lang ng ibang supplier kung ihihinto ng Canada ang pagbebenta sa AFP ng mga helicopter
Hindi nababahala ang Defense department sakaling hindi ituloy ng gobyerno ng Canada ang pagbebenta ng 16 na bagong mga helicopter sa Armed Forces of the Philippines.
Ito’y matapos ipagutos ng gobyerno ng Canada na repasuhin ang 233 million dollar helicopter deal sa Pilipinas dahil sa pangamabang magamit ito sa pag atake sa mga NPA sa bansa.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kung ayaw ibenta ng Canada ang kanilang mga helicopter, hahanap na lang ang Pilipinas ng ibang supplier.
Paglilinaw ng kalihim, hindi gagamitin ang mga bibilhing helicopters para makapatay ng tao kundi para magsagip ng buhay.
Limitado lang anya sa humanitarian and disaster response at paghahataid sa mga suplay at sundalo ang gamit ng mga combat utility helicopter na bibilhin sana ng Pilipinas sa Canada.
PH Defense Secretary Delfin Lorenzana on Canadian Government’s order to review the
$233-M helicopter deal with the Philippines @dwiz882 pic.twitter.com/ksh1haYxEd— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 8, 2018