Iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na na-hack ang kanilang website dahilan ng pagkaka-leak umano ng impormasyon ng libo-libong mga military personnel.
Isinagawa umano ng grupong Pinoy Lulzsec ang pangha-hack sa ilang mga website ng ahensiya ng pamahalaan kasama ang Philippine Army bilang biro sa April Fool’s Day noong Lunes.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala, nagkasa na sila ng imbestigasyon laban sa nasabing grupo bagama’t nakatitiyak siyang hindi na-hacked at secured ang lahat ng kanilang data.
Paliwanag ni Zagala, nagmula sa dump files ng kanilang lumang data base na ninililipat naman mula sa isang third party internet service providers ang mga sinasabing impormasyong nakuha umano ng grupong Pinoy Lulszec.
Binigyang diin ni Zagala, naresolba na nila ang isyu sa mga nasabing dump files noong pang Enero 1 pero ipinalalabas ng Lulzsec na nangyari ang pang-ha-hack noong Abril 1.
—-