Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino na payapa na ang sitwasyon ngayon sa Barangay Bualo Lipid, Maimbung, Sulu matapos humupa ang tensyon kahapon sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng kampo ni dating Maimbung Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan nang silbihan ng Warrant of Arrest ang Bise Alkalde kahapon.
Sa panayam ng DWIZ kay General Centino wala nang putukan na naganap at umaasa ang militar na magpapatuloy ang kapayapaan at hindi na lumala pa ang sitwasyon sa Sulu.
Kasabay nito tiniyak ni Centino ang pakikipagtulungan ng militar at ng lokal na pamahalaan ng Sulu upang masiguro ang kaligtasan at mga residenteng malapit sa lugar.
Habang sa ngayon ay patuloy aniya ang operasyon upang maaresto ang nasabing bise alkalde.
Nabatid na isa ang nasawi sa nasabing insidente, walo ang sugatan sa panig ng PNP, isang sundalo ang sugatan din at isang sibilyan na agad namang naisugod sa ospital.