Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines o AFP na ligtas ang mga pasyalan sa lalawigan ng Palawan.
Ayon kay General Restituto Padilla, spokesman ng AFP, nagpatupad na sila ng mahigpit na seguridad matapos magpalabas ng travel warning ang US Embassy dahil sa bantang pag-kidnap di umano sa mga dayuhang nasa Palawan.
Sinegundahan ng Western Mindanao Command o Wescom ang pahayag ni Padilla sa pamamagitan ng kanilang post sa Facebook na may hashtag na #palawanissafe.
Ayon sa Wescom, nananatili sila sa heightened alert upang tiyaking ligtas sa anumang banta ang mga lokal at dayuhang terorista na namamasyal at gustong makita ang isa sa mga pinakamagandang lugar sa buong mundo.
AFP blangko sa di umano’y plano ng mga terorista na mangidnap sa Palawan
Blangko ang Armed Forces of the Philippines sa di umano’y plano ng mga terorista na mangidnap sa Palawan.
Pahayag ito ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, matapos maglabas ng travel warning ang Amerika, United Kingdom at Canada para sa mga kababayan nilang magtutungo o kaya’y nasa Palawan na.
Gayunman, sinabi ni Arevalo na bagamat wala silang namomonitor na terorismo sa Palawan, hindi ito nangangahulugan na iba-balewala nila ang nasabing impormasyon.
Ayon kay Arevalo, hindi sila magdaragdag ng tauhan sa Palawan subalit magbabago sila ng taktika sa pagtugon sa banta ng terorismo.
By Len Aguirre |With Report from Aya Yupangco