Walang magaganap na balasahan sa mga opisyal ng Armed forces of the Philippines o AFP kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo.
Ito ang tiniyak ng AFP matapos balasahin ng Philippine National Police o PNP ang mahigit sa 700 nitong opisyal upang hindi umano maimpluwensiyahan ang mga kandidatong tatakbo sa eleksyon.
Sinabi ng tagapagsalita ng AFP na si Colonel Noel Detoyato na hindi saklaw ng kapangyarihan ng mga pulitiko ang mga sundalo lalo na sa mga probinsya kaya hindi na kailangan pa ng balasahan.
Ani Detoyato, malinaw ang direktiba sa mga sundalo na huwag makikisawsaw sa pulitika at sinuman ang sumuway dito ay tiyak aniyang mananagot.
By: Allan Francisco