Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na walang mangyayaring pag-abuso oras na magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay AFP public affairs office Chief Col. Edgard Arevalo, patunay nito ang umiiral na martial law kung saan ay wala naman aniyang naitalang pag-abuso o paglabag ang AFP maliban sa mga alegasyon aniya ng ilang grupo.
Sinabi ni Arevalo na makatitiyak ang publiko na irerespeto ng mga sundalo ang karapatan ng bawat mamamayan sa kabila ng umiiral na martial law.
Ang batas militar sa Mindanao ay nakatakdang magtapos sa 31 ng Disyembre.