Iniutos na ni Armed Forces of the Philippines Chief General Gilbert Gapay ang tuluyang paglansag ngayong 2021 sa natitira pang mga guerilla fronts ng New People’s Army.
Ayon kay Gapay, labis nang humina ang mga unit ng teroristang NPA, at ito aniya ang pangunahing target ng mga ikinakasang operasyon ng tropa ng pamahalaan.
Pahayag ni Gapay, kanya nang inatasan ang lahat ng AFP commanders na ituon ang mga military operations sa mga lugar na pinagkukutahan ng mga nalalabing miyembro ng komunistang grupo.
Dagdag ng heneral, nasa 54 ang guerilla fronts ng NPA at mayroon namang siyam na armadong grupo sa bansa na nalalapit na aniyang malansag at mapabagsak ng tropa ng pamahalaan.