Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na tututukan nito ang kaligtasan ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng balak nitong kumuha ng private security services.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, ipagpapatuloy ng militar ang pagsunod sa kanilang mandato, kabilang na rito ang pagbibigay ng seguridad sa Bise Presidente.
Dagdag pa ni Colonel Padilla, titiyakin nilang hindi makokompromiso ang kaligtasan ni VP Sara at iba pang mga pangunahing lider ng bansa.
Nabatid na sinabi ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. na papalitan nito ang Vice Presidential Security and Protection Group bagama’t hindi ito pinahintulutan ng Bise Presidente.