Umaasa ang AFP o Armed Forces of the Philippines na matatapos na ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at Maute Group sa Marawi City.
Ayon ito kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla kasunod nang aniya’y medyo delikadong operasyon ng mga sundalo sa nasabing lungsod dahil sa mahigpit na pagbabahay-bahay dito.
Sinabi sa DWIZ ni Padilla na nais nilang matiyak na ligtas ang lugar kapag pinabalik ang mga residente rito.
“Harinawa po mapabilis na po kasi medyo maselan pa po kasi yung natitira pong parte nating operasyon. Ito po yung bahagi ng tinatawag nating clearing ng isang urban na terrain at kinakailangan maingat po at maging door-to-door ang ating pagtingin sa lahat ng lugar na maaari pang pinagkukubkuban ng kalaban.”
“At pag-clear ng mga nakalagay na patibong para nang sa ganoon kapag nagbigay daan na tayo sa pagbalik ng ating mga kababayan sa kani-kanilang residente sila po’y magiging ganap na safe”, ani Padilla.
By Judith Estrada – Larino