Hangad ng AFP o Armed Forces of the Philippines na maging matahimik at mapayapa ang pagdiriwang ng mga Pilipino ng pasko at bagong taon.
Iyan ang pagsusumikapan ni AFP Chief of Staff Lt/Gen. Benjamin Madrigal sa harap na rin ng mga bantang pag-atake ng CPP-NPA kahit pa nagdeklara ito ng unilateral ceasefire.
Ayon kay Madrigal, titiyakin ng AFP na gagawin nila ang kanilang mandato na protektahan ang mamamayan at siguruhing ligtas ito sa anumang karahasan.
Kasunod nito, nagpasalamat naman si Madrigal sa pamilya ng mga sundalo dahil sa kanilang sakripisyo at pang-unawa para sa sambayanang Pilipino.
Sa ngayon, naka-alerto ang front unit ng AFP para sa anumang opensibang ikakasa ng mga kalaban ng estado partikular na ang mga komunista sa iba’t ibang panig ng bansa.