Tiwala ang AFP o Armed Forces of the Philippines na matatalakay ang usapin nang pananakop ng China sa sandbars sa West Philippine Sea sa China – Philippines Bilateral Consultative Mechanism o BCM.
Ito ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla ay matapos nilang makumpirma ang presensya ng Chinese vessels malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Padilla na may kasalukuyang mekanismo na dapat sundin na sinimulan ng BCM kaya’t mas mabuting itanong sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung ano ang nangyari rito.
Naniniwala naman si Ambassador Chito Sta. Romana na isang magandang pagkakataon ang BCM para pag-usapan ang mga posibleng pakikipagtulungan ng China at Pilipinas para makabuo ng trust and confidence sa isa’t isa.