Tiwala ang AFP na tuluyang mapupulbos ang Abu Sayyaf bago mag retiro sa serbisyo si AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya sa December 8, 2016.
Sinabi ni AFP public affairs office chief Col. Edgard Arevalo na ang deadline ay self imposed lamang ni Visaya at hindi itinakda ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Arevalo may sapat na panahon pa sila o halos isang buwan para masolusyunan ang problema sa bandidong grupo kung saan walang tigil ang operasyon ng mga sundalo.
Halos 8000 tropa ang idineploy ni Visaya para labanan ang Abu Sayyaf.
Ipinabatid ng AFP na simula July hanggang nitong October 30 ay nasa 70 bandido na ang nasawi sa kanilang operasyon sa Basilan at Sulu.
By: Judith Larino