Tiwala ang AFP o Armed Forces of the Philippines na napuruhan ng kanilang inilunsad na airstrike kahapon ng umaga ang lugar na pinatataguan ng Abu Sayyaf Leader na si Isnilon Hapilon sa Marawi City.
Ayon kay Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, malaki ang maitutulong nito sa kanilang tactical operations para makausad na ang tropa ng pamahalaan.
Aniya, mahigit sa 40 mga terorista ang posibleng naka-puwesto sa paligid ng Bato mosque na sinasabing pinagtataguan ni Hapilon at posibleng tinamaan ng airstrike ng militar.
Samantala, batay sa tala ng AFP, umaabot na sa 639 na terorista ang napapatay sa patuloy na bakbakan sa Marawi City habang nasa 145 naman ang nalagas sa panig ng militar.
AR / DWIZ 882