Nakaalerto na ang Armed Forces of the Philippines o AFP maging ang intellegence community para tutukan ang galaw ng 5 banyagang Jihadist na nakapasok sa bansa.
Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, pinuno ng Public Affairs Office ng AFP, mahigpit nilang binabantayan ang mga naturang Jihadist na nakapasok sa bansa gayundin ang posibleng pakikipagsanib nito sa bandidong Abu Sayyaf.
Noong isang taon pa aniya namo-monitor ng AFP ang presensya ng mga banyagang Jihadist sa bansa partikular na sa lalawigan ng Basilan sa Mindanao.
Gayunman, hindi pa makumpirma ni Cabunoc kung ang isa sa 5 banyagang Jihadist ay dating miyembro ng Malaysian Special Forces na nag-AWOL.
By Jaymark Dagala