Tuloy pa rin ang airstrikes ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Marawi City.
Ito ay sa kabila ng pumalyang airstrike ng militar kahapon na ikinasawi ng dalawang (2) sundalo at ikinasugat ng 11 iba pa.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, mahalaga sa kanila ang mga ginagawang airstrikes lalo’t nagtatago aniya sa matitibay na istruktura ang mga teroristang Maute.
Samantala, kinumpirma naman ni Arevalo na suspendido ngayon ang ginamit na aircraft sa sumablay na airstrike.
By Ralph Obina | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
*AP Photo