Magtutulo-tuloy ang opensiba ng militar laban sa mga bandidong Abu Sayyaf hanggang sa mapalaya ang lahat ng mga hawak na bihag ng mga ito.
Inihayag ito ng Malacañang matapos mapalaya ang babaeng Pilipina na si Marites Flor na kasama sa mga dayuhang binihag ng grupo noong Sept. 2015.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, malinaw ang misyon ng mga tropa ng gobyerno at ito ay tugisin at puksain ang mga bandidong naghahasik ng karahasan sa Mindanao.
Hinihintay aniya ng palasyo ang report ng Armed Forces of the Philippines kaugnay sa detalye nang paglaya ni Maritess Flor.
No comment naman ang Palasyo sa pag-eksena ni Sectetary Jesus Dureza kung saan sinundo ang napalayang kidnap victim sa Sulu at dinala sa Davao City para iharap kay President elect Rodrigo Duterte.
By: Avee Devierte