Tuloy – tuloy pa rin ang isinasagawang pagsalakay ng tropa ng pamahalaan laban sa mga miyembro ng Maute-ISIS group na nananatili sa loob ng Marawi City.
Ito ay ayon kay Joint Task Force Marawi Deputy Commander Col. Romeo Brawner, sa harap ng itinakdang target ng AFP o Armed Forces of the Philippines na tuluyang mabawi ang Marawi City ngayong araw, October 15.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Brawner na bagama’t nasa dalawang hektarya na lamang ang sentro ng labanan ay nahihirapan pa rin ang tropa ng pamahalaan na mabuwag ang depensa ng mga terorista dahil sa mga hinuhukay na bunkers o taguan ng mga ito sa ilalim ng mga gusali.
Bukod rito, hawak din aniya ng MAUTE Isis group ang isang Madrasa o Islamic School na kanilang ginagawang kuta na hindi maaaring bombahin ng militar bilang pagrespeto sa mga religious icons.
Dagdag pa ni Brawner, desperado na ang mga terorista dahil ang ilan sa kanilang mga bihag ay ginamit na rin ng mga ito bilang mga combatants.