Umalma ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa alegasyon ni National Democratic Front o NDF na hindi sinunod ng mga sundalo ang unilateral ceasefire na idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, pagkabanggit pa lamang ng Pangulo sa ceasefire sa kanyang SONA ay ipinakalat na nila ang mensahe sa lahat ng kanilang mga tauhan sa field.
Pareho rin anyang pauwi na sa kani-kanilang kampo ang kanilang mga sundalo at CAFGU nang tambangan sila ng mga NPA sa kabila ng ceasefire.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
Ayon kay Padilla, command detonated landmine ang ginamit ng NPA sa ambush na ginawa nila noong July 27 na ikinasawi ng isang CAFGU.
Kinontra ni Padilla ang pahayag ng NDF na hindi labag sa Geneva Convention ang paggamit ng landmine.
Binigyang diin ni Padilla na maliban sa Geneva Convention, labag din sa Ottawa Agreement ang paggamit ng landmine dahil sa tindi ng pinsalang naidudulot nito sa biktima.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas