Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa Pamahalaan ng Australia sa pagkakaloob nito ng iba’t ibang kagamitang pangmedikal.
Ito’y para gamitin sa nagpapatuloy na COVID 19 response ng Pamahalaan ng Pilipinas kung saan, nagkakahalaga ito ng P68 milyon.
Personal na tinanggap ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejena kasama si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nasabing donasyon Sa Camp Aguinaldo.
Si Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson at Defense Attaché ng Australian Embassy sa Manila na si Col.Paul Joseph Barta ang siya namang nag-abot ng donasyon sa panig ng Australia.
Ayon kay Gen. Sobejana, Australia ay isang tunay na maasahang partner sa gitna ng pandemya at patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas upang mas lalong mapaigting ang magandang samahan ng dalawang bansa.
Una nang nagbigay ng donasyong PPE at hospital equipment ang Australia sa V. Luna Medical Center sa Quezon City noong Hunyo ng nakalipas na taon.