Aabot sa 30 Intensive Care Unit o ICU beds at 10 Personal Protective Equipment o PPE’s ang tinanggap ng Armed Forces of the Philippines o AFP.
Ito’y bilang bahagi ng donasyon ng Estados Unidos sa mga sundalong Pilipino na humaharap din sa giyera laban sa mapanganib na COVID-19.
Mismong si AFP Chief of Staff Gen. Jose Faustino Jr ang tumanggap ng mga donasyon ng Amerika kasama ang Commander ng AFP Health Service na si BGen Edgar Cardinoza at Deputy Chief of Mission ng U.S. Embassy sa Maynila na si David Gamble.
Nagkakahalaga ng mahigit 2 milyong piso ang kabuuang mga donasyon ng Amerika sa mga Sundalo para gamitin sa COVID-19 response.
Isinagawa ang hand-over ceremony sa AFP General Headquarters sa Kampo Aguinaldo, Quezon City kahapon.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)