Tumanggi munang magkomento ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mungkahing muling pagpapalawig sa ipatutupad na martial law sa Mindanao.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, patuloy pa ang kanilang ginagawang assessment sa sitwasyon sa Mindanao.
Wala naman aniyang itinakdang timeline sa AFP para sa pagbibigay ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kung kinakailangan pang palawigin ang martial law sa Mindanao na mapapaso na rin sa katapusan ng taon.
Una nang lumutang ang muling pagpapalawig sa umiiral na martial law sa Mindanao matapos ikadismaya ni Pangulong Duterte ang mabagal na pag-usad ng rehabiliotasyon sa Marawi City, isang taon mula nang mapalaya ito mula sa Maute-ISIS group.