Gagamitin ng gobyerno ang mga tauhan ng AFP o Armed Forces of the Philippines para mapabilis ang clearing operations sa mga lugar na naapektuhan ng bird flu virus sa Pampanga.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella ang avian flu outbreak ay hindi maliit na kalamidad at malaking bagay ang tulong ng AFP para ganap itong maalis sa bansa.
Sinabi ni Abella na kulang ang tao ng Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry at lalong mapapabilis ang paglilinis sa mga kontaminadong poultry farms kapag mas marami ang tutulong.
Nakikisimpatiya aniya ang Palasyo sa nararanasan ng mga naapektuhan sa poultry industry kaya’t puspusan ang ginagawang aksyon para hindi na kumalat pa ang avian flu sa ibang lugar maliban sa San Luis,Pampanga.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)