Tututukan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang probinsya ng Sulu para pulbusin ang natitirang pwersa ng Abu Sayyaf group.
Ayon kay Western Mindanao Command Lt. General Arnel Dela Vega, wala nang problema sa Abu Sayyaf ang maraming lugar sa Mindanao tulad ng Central Mindanao, Lanao Del Sur, Zamboanga Peninsula, Basilan at Tawi-Tawi.
Aniya, walang magiging problema dito lalo pa’t wala nang hawak na bihag ang mga rebelde.
Si Dela Vega ay nakatakdang magretiro ngayong araw kung saan papalitan naman siya ni Major General. Cirilito Sobejana.