Patuloy na umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maipapasa na sa lalung madaling panahon ang Anti-terrorism bill at inamyendahang Human security act.
Ito ay kasabay na rin ng pagkakapaso na ng martial law sa Mindanao eksakto 11:59 kagabi, December 31.
Ayon kay AFP Spokesperson Marine Brig. General Edgard Arevalo, malaki ang iginanda sa sitwasyon sa Mindanao magmula nang ipatupad ang batas militar sa loob ng mahigit 2 taon.
Hinikayat din ni Arevalo ang mga local chief executives sa Mindanao na ipagpatuloy at panatilihin ang nakamit na kaayusan at pagbaba ng bilang ng mga terorista sa rehiyon kahit walang umiiral na martial law.
Binigyang diin naman ni Arevalo na patuloy pa ring umiiral ang state of national emergency sa Mindanao alinsunod sa proclamation number 55 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.