Umaasa ang liderato ng Armed Forces of the Philippines o AFP na tatalima ang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa idineklara nitong tigil-putukan ngayong Kapaskuhan.
Batay sa deklarasyon ng komunistang grupo, tatagal ang tigil-putukan mula Disyembre 23 hanggang Enero 3 ng susunod na taon.
Ayon kay Col. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, umaasa silang hindi sisirain ng rebeldeng grupo ang kanilang pangako para bigyan ng mapayapa at tahimik na kapaskuhan ang mga Pilipino.
Subalit pagtitiyak naman ni Padilla na hindi sila magpapaka-kampante at kanila pa ring isusulong ang operasyon laban sa mga banta sa seguridad kahit pa holiday season.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal