Haharangin ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang planong occupy Marawi ng grupong Dansalan Tano sa kalilintad movement sa susunod na linggo.
Ayon kay Task Force Marawi Spokesman Lt/Col. Jo-Ar Herrera, lubhang mapanganib pa rin ang sitwasyon sa lungsod kahit pa malapitan na ang bakbakan sa pagitan ng militar at ng teroristang ISIS-Maute group.
Kasunod nito, umapela si Herrera sa grupo na huwag munang ituloy ang nasabing planong pagbabalik sa lungsod na naglalayong maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay.
Sa halip, sinabi ng opisyal na mas mainam gawin ng grupo ay ang maging mahinahon, buksan ang kaisipan at patuloy na makipag-usap sa militar gayundin sa lokal na pamahalaan para sa maayos na pagbabalik nila sa kani-kanilang mga tahanan.
By: Jaymark Dagala
AFP umapela sa mga taga-Marawi na huwag ituloy ang pagbabalik sa kanilang bahay was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882