Binigyan-diin ng armed Forces of the Philipppine na wala pa silang natatanggap na official report kaugnay sa napabalitang mga Pilipinong inaresto sa cina dahil sa sinasabing pang-eespiya ng mga ito.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, na pa tuluyang nabeberipika ang ulat mula sa isang Chinese state-run news outlet.
Kailangan anya muna nilang magkatanggap ng mga formal report upang marespondehan at makagawa ng mga kinakailangang hakbang para sa tatlong inarestong Pilipino.
Sa kasalukuyan, ipinauubaya muna ng AFP sa Department of Foreign Affairs ang nasabing usapin.—sa panulat ni Kat Gonzales