Wala pang rekomendasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte kung magdedeklara ng martial law sa Negros Island.
Kasunod na rin ito ng serye ng mga pagpatay sa iba’t ibang bayan sa Negros Oriental.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. General Edgard Arevalo, kanila pang kokonsultahin ang mga opisyal ng lokal ng pamahalaan, mga commanders at mga residente kaugnay ng sitwasyon sa lalawigan para maging batayan ng kanilang magiging rekomendasyon.
Sa kasalukuyan, nakatutok aniya sila sa pagbibigay ng tulong sa Philippine National Police para sa agarang pagresolba sa mga kaso ng pagpatay at mapanagot ang mga nasa likod nito.