Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang ISIS sa Pilipinas.
Paliwanag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, iba ang tinatawag “ISIS-directed terrorism” at “ISIS-inspired terrorism.”
Aniya, base sa kanilang intelligence reports, ang mga grupong nagpapakalat na miyembro sila ng ISIS ay mga peke at malinaw na propaganda lamang ito para makakalap ng mga miyembro.
Sa ngayon, sinabi ni Detoyato, may tatlong grupong na maituturing na sympathizers o sumisimpatya sa ISIS at ito ay ang Abu Sayyaf, Khalifa Islamiyah, at ang breakaway ng MILF na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal