Walang namomonitor na anumang banta mula sa mga rebeldeng grupo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa selebrasyon ng Labor Day bukas, Mayo 1.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, tanging ang mga kilos protesta lamang na pangungunahan ng mga militanteng grupo ang kanilang namonitor na magiging aktibidad ng mga ito bukas.
Gayunman, sinabi ni Detoyato na inatasan pa rin ang Joint Task Force NCR na makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) para matiyak ang seguridad ng publiko hindi lamang para sa Araw ng Paggawa bukas kundi maging sa papalapit na halalan.
Aniya, malaki ang posibilidad na samantalahin ng mga rebeldeng grupo ang araw ng eleksyon kaya kailangan nilang manatiling nakahanda.