Walang natanggap na kautusan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na arestuhin ang mga kumukwesyon sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Ramon Zagala, ang tungkulin ng kanilang ahensya ay suportahan ang law enforcement.
Sakaling kailangan aniya ng kanilang tulong para arestuhin ang isang indibidwal ay handa sila rito.
Nabatid na sinabi ni COMELEC Commissioner Rey Bulay na maaaring arestuhin ang mga kritiko ng ahensya na nagsasabing ang poll body ay nakikipagsabwatan sa mga kandidato o taga-suporta nito para sa darating na eleksyon.
Matatandaang naglabas din ng babala noong April 22 si Bulay na hindi aniya magdadalawang-isip ang ahensya na humingi ng tulong sa AFP para arestuhin ang mga naturang indibidwal.