Binigyan ng ultimatum ng gobyerno ng Israel ang mga African migrants para lisanin ang kanilang bansa.
Batay sa inilabas na kautusan may 90 araw ang mga naturang migrants para umalis sa bansa at bibigyan sila ng 3,500 dollars.
Nakasaad din sa kautusan na ang sinumang magmatigas ay makukulong simula sa buwan ng Abril.
Nilinaw naman ng gobyerno ng Israel na hindi kabilang sa kanilang pinapaalis ang mga bata, matatanda at mga biktima ng human trafficking na patunay umano na makatao ang kanilang ginagawang operasyon sa nabanggit na migrants.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng Population and Immigration Authority sa iligal na pamamaraan pumasok sa kanilang bansa ang higit sa 38,000 na mga migrants.
—-