Nakarating na sa Timog-Silangang Asya ang African swine fever o ASF, ang sakit na ikinamatay na ng libu-libong baboy sa ilang panig ng mundo.
Ito ang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) makaraang mag-positibo sa ASF ang mga pork sample mula Vietnam.
Dahil dito, ipinag-utos agad ni Agriculture Secretary Manny Piñol pansamantalang pag-aangkat ng karne at iba pang pork products mula Vietnam alinsunod sa rekomendasyon ni Bureau of Animal Industry.
Magugunita noong isang linggo natuklasan ng Taiwanese government na kontaminado ng ASF ang isang pork sandwich na dinala ng isang pasahero mula Ho Chi Minh City, Vietnam.
Sa kabila nito, tiniyak ni Piñol na isa ang Pilipinas sa mga bansang ligtas laban sa mga livestock disease kabilang ang foot and mouth disease.
Bagaman hindi aniya gaanong nag-aangkat ng karneng baboy mula Vietnam, nananatili ang peligro sa mga turistang magdadala ng mga pork product.
—-