Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Bayabas, Surigao Del Sur kaninang pasado 6 kaninang umaga.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong 45 kilometro hilagang silangan ng nasabing bayan.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim ito na 19 na kilometro mula sa episentro.
Kasunod nito, muling nakaranasa ng mahinang aftershock ang nasabing lindol kaninang 10 kaninang umaga na nasa 2.9 magnitude
Nabatid na aftershock lamang ang nasabing lindol sa Bayabas town matapos yanigin ito ng 5.7 magnitude na main quake noong Setyembre 21.