Muling nakapagtala ng aftershock sa Tulunan Cotabato kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institue of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang magnitude 5 na aftershock kaninang alas sais singkwenta’y dos ng umaga.
Natukoy ang epicenter ng aftershock sa layong 18 kilometro timog ng bayan ng Tulunan o katulad ng epicenter ng naranasang magnitude 6. 3 na lindol noong miyerkules.
May lalim naman ito 27 kilometro.
Ayon kay PHIVOLCS Executive Director Undersecretary Renato Solidum, inaasahang susundan pa ito ng ibang aftershocks.