Dalawang mahihinang pagyanig ang naitala ng UAGS o United States Geological Survey malapit sa nuclear site ng North Korea.
Ayon sa USGS, ang mga nasabing pagyanig ay posibleng aftershock ng nakaraang malaki at malawakang nuclear test ng North Korea noong Setyembre 3.
Naitala ng USGS ang magkasunod na magnitude 2.9 at 2.4 na aftershocks sa bisinidad ng Punggye-ri nuclear test site.
Matatandaang inanunsyo ng Pyongyang na isang H-Bomb ang kanilang inilunsad noong Setyembre na sinasabing sampung beses na mas malakas kumpara sa atomic bomb na ibinagsak ng Estados Unidos sa Hiroshima noong 1945.