Nakararanas pa rin ng mga aftershocks ang bayan ng Itbayat, lalawigan ng Batanes isang linggo mula nang tumama ang 2 malalakas na lindol doon.
Batay sa datos ng PHIVOLCS mag-a-ala 6:00 ng umaga ng linggo, may naitalang magnitude 3 na aftershock kung saan, may lalim itong 16 na kilometro at tectonic naman ang pinagmulan.
Bago ito, niyanig din ng magnitude 3.6 na aftershock ang Itbayat dakong alas 2:21 kanina ring madaling araw.
Kapwa naman naranasan ang intensity 4 na pagyanig sa Itbayat mula sa 2 malalakas na aftershocks.
Batay naman sa pinakahuling datos ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot na sa 300 aftershocks ang naitala sa lugar kung saan 29 sa mga ito ang naramdaman.