Magtatagal pa ng ilang araw hanggang ilang linggo ang mararanasang aftershocks sa bahagi ng Mindanao.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni PHIVOLCS OIC Dr. Teresito Bacolcol na habang tumatagal naman ay humihina ang mga afteshocks.
Nakapagtala ang PHILVOCS ng 113 aftershocks hanggang alas dose ng tanghali kahapon, kung saan anim dito ang naramdaman.
Samantala, ang pinakamahinang aftershock na naitala ay intensity 1.4 banag ang pinakamataas naman ay 4.9. - sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)