Umaabot na sa mahigit 700 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa nakalipas na magdamag matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, mahigit 600 aftershocks ang maituturing na minor aftershocks at halos 70 ang malalakas at sadyang naramdaman ng mga tao.
Pinakamalakas na naitala sa mga aftershocks na ito kahapon ay magnitude 5.2 na ikinukunsidera nang moderate quake.
Sinabi ni Solidum na mas marami pang aftershocks ang yayanig sa Mindanao sa mga susunod na araw.