Asahan pa ang mga panaka-nakang aftershocks sa mga lugar na malapit sa epicenter ng magnitude 7 na lindol.
Partikular na tinukoy ng PHILVOLCS ang bayan ng Tayum na sentro ng pagyanig na “tectonic” ang origin.
Ayon kay DOST Undersecretary at PHIVOLCS OIC Renato Solidum, posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong araw ang mga aftershocks.
Ito, anya, ay dahil itinuturing na “major earthquake” ang malakas na pagyanig kahapon.
Samantala, nilinaw ni Solidum na hindi tsunami ang naranasan sa bahagi ng La Union at Ilocos Sur.