Pumalo na sa higit 180 aftershocks ang naitala sa Mindanao ngayong gabi ng Linggo.
Ito ay kasunod ng pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa Davao Del Sur.
Pinaalalahanan naman ng NDRRMC ang mga residente sa lugar na manatili sa mga open space na lugar o di kaya’y sa mga inilatag na evacuation centers.
Samantala inaasahan naman na tataas pa ang bilang ng mga aftershocks sa mga susunod na oras.